0

Nangako kahapon si retired Gen. Wences­lao ‘Wally’ Sombero na sa­sabihin niya ang kanyang nalalaman tungkol sa corruption sa pagharap niya sa Senado.

Itinanggi naman ni Sombero na mayroon siyang koneksyon sa online gaming tycoon na si Jack Lam at hindi siya kinatawan o middleman nito.

“Ang sabi, representative ako ni Jack Lam, I just want to set  the record, if anybody can prove that I am a middleman, or I know Jack Lam, ‘di na kailangan ng hearing, I will go straight to the prison right away,” wika pa ni Sombero sa press briefing sa kanyang tahanan sa Quezon City.

“I am the head of the NGO, it is my obligation for the government to identify, regulate, maximize and gene­rate re­venues from that industry. Obligasyon ko po iyon, hindi ko siya kakilala,” wika pa nito.




Inabswelto rin ni Sombero si Justice Sec. Vitaliano Aguirre kaugnay sa bribery scandal.

Magugunita na noong Disyembre 16, 2016 ay sinampahan ng graft charges ni Sombero sina Robles at Argosino sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y pangongotong nito kay Jack Lam ng P50 milyon na nakalagay sa 2 paper bag sa isang hotel sa Paranaque kapalit ng hinuling 1,000 undocumented Chinese workers sa Fontana hotel.

Dumating kahapon ng umaga si Sombero bandang alas-8:55 ng umaga nang lumapag ang sinakyang eroplano ng Philippine Airlines flight 119 sa NAIA terminal 2 mula Vancouver, Canada.

Si Sombero ay sinalubong ng mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant at Arms at Anti- Organized crime and transnational division ng National Bureau of Investigation (NBI). Sinabi ni Sombero na bumalik siya ng bansa upang linawin ang pangyayari.

Loading...
“Kaya po nagkaroon ng Senate investigation ay dahil sa heroic ako na mag-expose ng corruption, iyon po ang dahilan.  Sino pa ba ang susunod sa yapak ko? Ang sabi ng pangulo, magsumbong ng iskandalo, sumigaw, sabihin ang mga corrupt officials — ginawa ko po, kaya may senate hearing… pero ano ang nangyari sa akin?” wika pa ng retiradong heneral ng PNP.

Hinimok din nito ang taumbayan na huwag matakot na isiwalat ang kanilang nalalamang corruption at sundan ang kanyang yapak na pagbubunyag ng mga katiwalian.

“Kung sino man nakakakilala sa akin nung panahon sa CIDG, napakaraming bribe-givers na na-entrap ko, napakaraming reward money ang tinanggihan ko, at iyan ay mapapatunayan lahat, I have never been involved in any wrongdoings even a single case in my military service for 27 years, hindi ako na-involve. Hindi ko pagpapalit ang aking mga nakaraang serbisyo sa military at sa pulis,” giit pa ni Sombero.


Inakusahan si Sombero na nagbigay ng P50 milyong suhol sa mga sinibak na Immigration Associate Commissioners na sina Al Agrosino at Michael Robles kapalit ng pagpapalaya sa 1,000 Chinese workers sa Fontana casino and resort sa Pampanga na inaresto ng BI.

Samantala, inamin ni Sen. Manny Pacquiao na kakilala at kaibigan niya si Sombero noong naglalaro pa siya ng poker.
Source: Philstar


Post a Comment

 
Top