0

Sa gitna ng mga pagbatikos sa kampanya ng administrasyon kontra iligal na droga, sinuportahan ito ng 16 estudyante sa Iriga City sa pamamagitan ng pagtakbo nang hubo't hubad.



Ang mag-aaral na nagdaos ng naturang "freedom run" ay kabilang sa mga bagong recruit ng Alpha Phi Omega (APO) fraternity Beta-Beta chapter sa University of North Eastern Philippines. 

Mukha lang ang natatakpan sa mga estudyante nang tumakbo sila habang bitbit ang mga placard na may mga slogan na kontra droga.

Loading...
Nagtapos ang freedom run sa open field ng paaralan kung saan nagtipon ang mga lalaki para kantahin ang kanilang fraternity hymn.


Itinaon ang freedom run sa ika-48 chapter anniversary ng APO sa Iriga.
Source: ABS-CBN


Post a Comment

 
Top