0

Nababahala ngayon si pork barrel scam whistleblower Benhur Luy ukol sa kaniyang kalagayan matapos panigan ni Solicitor General Jose Calida ang kampo ni Janel Lim-Napoles sa kasong serious illegal detention.




Ayon sa abogado ni Luy na si Atty. Raji Mendoza, bagama’t iginagalang nila ang kapangyarihan ng OSG na maghain ng rejoinder manifestation sa Court of Appeals (CA), nagtataka sila na sa panig pa ng akusado kumakampi ang gobyerno.

“Public officials are expected to put the country’s interests first. We can only guess the OSGs intentions. God bless,” wika ni Mendoza.

Loading...
Tinawag ding misteryoso ni Mendoza ang opinyon ng OSG, na para sa kaniyang pananaw ay hindi pangkaraniwan.

Si Luy ay pinsan ng itinurong utak ng pork barrel scam queen na si Napoles na nakakulong ngayon sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.


Nag-aalala rin ang kampo ni Luy na baka kalaunan ay maapektuhan pa ng aksyon ng OSG ang mismong pork barrel cases na inihain laban sa scam queen at ilang mambabatas.
Source: Bombo Radyo


Post a Comment

 
Top