0

Gobyerno ng mga kriminal ang tawag ngayon ni Senador Leila de Lima sa administrasyong Duterte dahil sa tila naging ugali na nitong pagkanlong at pagpalaya sa mga high profile criminals.

Pahayag ito ni De Lima bilang reaksyon sa hakbang umano ngayon ng Solicitor General (SolGen) na ipawalang-sala ang tinaguriang “pork-barrel queen” na si Janet Lim Napoles sa pamamagitan na rin ng pagbaligtad sa naging conviction dito ng korte kaugnay sa kanyang kasong illegal detention.




“It looks like this administration is bent on taking the side of every high profile crook and scoundrel the past administration was able to jail,” ayon kay De Lima.

Giit ng senadora, sa pagpapalaya umano kay Napoles na isang plunderer ng pamahalaan ay mas makakabuting buwagin na lamang ang justice system at ideklara ang gobyernong ito na gobyerno ng mga kriminal.

Loading...
“Release Napoles, the number one enabler of plunderers in government, and we might as well dissolve our justice system and declare this government a government of criminals, where the innocent are imprisoned and the criminals liberated,” giit ni De Lima.

Naunang nagpatawag ng press conference si SolGen Jose Calida at tahasan itong nagpalabas ng kanyang sariling opinion na nagkamali ang Makati Regional Trial Court sa paggawad ng parusang reclusion perpetua kay Napoles sa kasong serious illegal detention.


“In Napoles case, it is my well-considered opinion and that of my assistants that the RTC erred in convicting Napoles,” pahayag ni Calida.

Sinabi ni Calida na marami siyang nakikitang sirkumstansya na maa­ring maging dahilan para maabswelto si Napoles.
Source: Abante


Post a Comment

 
Top