0

Naaresto na ng mga otoridad ang pangunahing suspek sa pagdukot at panggagahasa sa isang apat na buwang gulang na sanggol sa Brgy. Perrelos sa Carcar City.





Ayon kay Chief Insp. Jose Liddawa ng Carcar police, naaresto ang suspek na si Jonathan Marfe sa kaniyang tahanan na 10 metro lang ang layo mula sa bahay ng pamilya ng biktima.

May record na aniya si Marfe ng attempted rape sa Bohol, at na dumating lang ito sa Carcar City tatlong araw bago nangyari ang insidente.

Loading...
Dagdag pa ni Liddawa, si Marfe ang itinuring na prime suspect dahil gising ito noong mga oras na nangyari ang pagdukot at panggagahasa sa sanggol.

Nakikipag-inuman pa aniya si Marfe kasama ang kaniyang tatlong mga kaibigan noong panahong iyon, at isang suspek ang nakakita sa kaniya na pumasok sa bahay ng biktima.


Bagaman circumstantial ang kanilang hawak na ebidensya, naniniwala sila na sapat na ito para mapatunayang guilty si Marfe sa krimen.
Source: Radyo Inquirer


Post a Comment

 
Top