0

Sinabi ni Senator Leila de Lima noong Lunes, February 13, na siya ay naghahanda sa worst na pwedeng mangyari hinggil sa nalalapit na paglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

Ayon kay De Lima, yun naman talaga ang gusto ni President Rodrigo Duterte, ang makulong siya. Binaggit din niya ang paulit-ulit na pahayag sa publiko ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II hinggil sa pag-aresto sa kanya.

"I've been preparing for the worst-case scenario. Isa po iyan sa matagal nang inuutos ng Pangulo (It has been one of the orders of the President). 'Di ho ba ilang beses na niya 'yan sinasabi (Isn't that what he has been repeatedly saying), he wants me locked up in jail to suffer the fate of former president Gloria Macapagal-Arroyo,” sabi ni De Lima sa interbyu.




"Those are his words, not mine. So matagal na po akong pina-project ng mga 'yan (So Duterte and his allies have long been plotting against me)," dagdag pa niya.

Noong isang linggo, sinabi ni Aguirre na ang arrest order laban kay De Lima ay maaaring ilabas anumang oras kaugnay sa kinasasangkutan niyang kaso sa illegal na droga. 

"She knows that anytime, lalabas na ang warrant of arrest (the arrest warrant against her would be served)," sabi ni Aguirre.

Loading...
Ang Department of Justice, ayon kay De Lima, ay planong magsampa ng kaso laban sa kanya sa mababang hukuman para pabilisin ang pag-release ng warrant.

Ngunit siya ay umalma dahil hindi daw ito ang tamang pamamaraan, ang Ombudsman lang daw ang tanging may jurisdiction sa mga public officials tulad niya.

"Well, I really don't know when the arrest warrant would be issued. Ki-no-confirm [ni Aguirre] na very, very soon ay ilalabas na ['yung DOJ] resolution. Meron siyang statements na 'She better brace herself for an arrest.' Ibig sabihin magkakatotoo 'yung info ko rin na talagang pipilitin ang kaso na 'yan. Imbis ipadala sa Ombudsman, kasi 'yun ang tamang may jurisdiction, ididiretso nga nila sa regular courts para makakuha ng arrest warrant," sabi ni De Lima.


Kinuwestyon naman ng mga kaalyado ni De Lima ang nalalapit na warrant, 
ilegal daw ang arrest order kung walang sapat na ebidensya at witness. Dagdag pa ng mga LP senators na tinakot lamang daw ang mga inmates sa Muntinlupa upang mag-testify laban kay De Lima.

Si De Lima ay nahaharap sa limang reklamo bago ang DOJ. Ang unang apat na isinampa ng Volunteers Against Crime and Corruption, the National Bureau of Investigation, former NBI deputy directors Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala, at ng inmate na si Jaybee Sebastian ay kinalap ng DOJ at isinumite para sa resolusyon noong December 21.
Source: Rappler


Post a Comment

 
Top