0

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson noong Martes na posibleng makasama ni Sen. Leila de Lima sa isang pasilidad sa Camp Crame ang dalawang dating Senador na sina Ramon “Bong” Revilla Jr. and Jose “Jinggoy” Estrada.

Sinabi ito ni Lacson bilang responde sa kahilingan ni De Lima na ikulong siya sa isang “safe and secure area”.




“Ang irony, baka magkakatabi sila ni Sen. Bong at Jinggoy. Remember meron pang bakanteng bungalow roon. I’m just thinking aloud na baka doon siya ilagay dahil secure ang lugar. Yun naman ang hinihingi niya di ba?” sabi ni Lacson sa isang interview.

Nilinaw rin ni Lacson na wala pa rin itong kasiguruhan dahil kailangan pa ring hintayin ang resolusyon na manggagaling sa Department of Justice.

Loading...
Ayon pa kay Lacson, nag-file na rin ng petitions sa Court of Appeals si De Lima para sa kaso nito at naniniwala daw si De Lima na tanging Ombudsman lang ang may jurisdiction sa kanyang kaso. Ngunit taliwas nman ito sa paniniwala ng Department of Justice.


Sinabi rin ni Lacson na maaari din naman daw na ikulong si De Lima sa Senado kung papayagan ito ng korte at ng iba pang mga Senador, pero kung sakali, ngayon pa lang daw ito mangyayari.
Source: Manila Bulletin



Post a Comment

 
Top