0

Binuweltahan ngayon ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II si Sen. Leila de Lima sa paratang nitong may natatanggap na special privileges ang mga inmates na nasa loob ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Custodial and Detention Center sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Sinabi ni Aguirre, na base sa naging pahayag ni De Lima na na-“restore” o naibalik ang lavish lifestyle ng mga inmates sa Camp Aguinaldo ay nangangahulugan lamang daw na namayagpag talaga ang magarbong pamumuhay ng mga inmates noong justice secretary pa ang senadora.




Muli ring itinanggi ni Aguirre na may pahintulot siya para ibalik ang prebilehiyo sa ilang inmates ng Bilibid.

Dagdag pa ni Aguirre na puro lang hearsay ang mga isinisiwalat ng Senadora dahil wala na itong masabi laban sa kanya.

Loading...
“Why is the good senator resorting to using hearsay evidence? Has she run out of things to say? Has she reached a new level of desperation? Desperate times call for desperate measures?,” wika ni Aguirre.
Kasabay nito, ipinakita pa ni Aguirre ang mga larawan sa loob ng AFP Custodial Center na nagpapakita na walang special privileges na natatanggap ang mga inmates.
Sakaling hindi raw maniwala si De Lima o ang sinuman ay sinasabi ng justice secretary na mas magandang pumunta mismo ang mga ito sa piitan para makita ang totoong kalagayan ng mga inmates.

“You are more than free to visit them at Camp Aguinaldo if you doubt these pictures. Hindi lang lavish, labis, labis, labis pa! Sino ba ang Secretary of Justice noong panahon ng pamamayagpag ng mga kubol na ito sa Bilibid? As they say a picture paints a thousand words,” dagdag ni Aguirre.


Una nang isiniwalat ni De Lima na may natanggap itong report na binibigyan ng special privileges ang mga inmates kung saan, may mga electronic gadgets at aircondition units sa loob ng bilangguan.

Maliban dito, nabibigyan din umano ang mga high profile inmates ng internet access habang nasa loob ng kulungan.
Source: Bombo Radyo


Post a Comment

 
Top