0

Kritikal ang lagay ng isang tatlong-taong gulang na batang babae matapos siyang madamay sa tangkang panggagahasa sa kanyang ina.

Ang kanyang ina ay nasawi sa insidente matapos manlaban sa suspek.



Wala ng buhay, laslas pa ang leeg, at nakaangat pa ang palda ng abutan ng mga pulis ang labi ng beinte-singko anyos na si Janelle Mangulanban sa loob mismo ng kanyang bahay sa barangay 178, Camarin, Caloocan.

Lumalabas sa imbestigasyon na tinangkang gahasain ang biktima pero nanlaban kaya't napatay ng suspek.

Loading...
Ang tatlong-taong gulang na anak na babae ng biktima ay nasa loob din daw ng bahay habang nangyayari ang komosyon. Nadamay din daw ang bata sa krimen dahil nag-iiyak ito at para mapatigil ay nilaslas din ng suspek ang leeg nito.

Hanggang sa mga oras na ito, nasa kritikal na kondisyon pa rin ang bata sa Tala Hospital. Ayon daw sa mga doktor, sakali daw na mabuhay ang bata hindi na raw ito makakapagsalita dahil sa lalim ng pagkakalaslas sa leeg nito.


Sa follow-up operation ng PNP, naaresto ang 36-anyos na suspek na si Jayson Del Valle, kumpare at kapitbahay ng biktima. Nag-inuman daw sila at tinangka daw halikan ng suspek ang kanyang kumare subalit pumalag daw ito kaya nauwi sa paglaslas ng leeg ang insidente.

Humingi ng tawad ang suspek sa kanyang kumpare na kasalukuyang Seaman at nasa abroad. Bukod sa kasong murder at frustrated murder, kakasuhan din ang suspek ng robbery dahil sa nawawala umanong mga gadget at P15 thousand na cash sa loob ng bahay ng biktima.
Source: News5


Post a Comment

 
Top