0

Siniguro ni Justice Vitaliano Aguirre II na magiging ligtas si Senator Leila de Lima kapag naaresto na ito.

"Yun siguro ang nasa isip niya. Hayaan po nating ilahad niya ang nasa isip niya. Pero palagay ko po, 100 percent, hindi mangyayari iyun," ayon kay Aguirre.




Hiniling ni De Lima nung Martes na ilagay siya sa ligtas na lugar kung sakaling arestuhin na sya dahil nangangamba siya sa kanyang kaligtasan.

"Sakali pong mangyari, God forbid, sana ilagay ako sa isang lugar na safe and secure ako. Maraming nangyayari sa mga selda. What is another case of EJK?" sabi ni De lima.

Loading...
Sinabi rin ng Senadora na minamadali talaga ni Aguirre ang pagsampa ng mga kaso laban sa kanya kaugnay sa iligal na droga sa Bilibid.


Itinanggi naman ito ng justice secretary, at sinabing "Lahat ng tao sa Facebook nagtatanong, kailan daw, pagkabagal-bagal daw natin. Kaya nagtataka ako, paano mag-aapura, bugbog na nga ako sa social media na bilis-bilisan daw namin."
Source: ABS-CBN



Post a Comment

 
Top