0

Presinto ang bagsak ng 52-anyos na si Marlyn Smith matapos ireklamo ng tangkang pagdukot sa pitong taong gulang na anak ni Shane Osorio. Kwento ng ina ng bata, kasama nya ang anak sa loob ng simbahan ng biglang lumapit ang suspek at hinatak ang anak, pero pumalag ang bata at nakapagsumbong sa ina at nakahingi ng responde sa mga gwardiya.



Bagamat paiba-iba ang sinasabi ng suspek, nagawa pa rin nyang idepensa ang sarili sa paratang. Hindi naman kinagat ng Paranaque Police ang drama ng suspek at kinasuhan pa ang child abuse. Ipinost ni Ososrio ang nangyari para ipagbigay-alam ang modus operandi ng suspek.


Loading...
Samatala, sa Mandaluyong, putok ang labi ng 30-anyos na si Filomena Pattung matapos kuyugin dahil sa tangkang pagtangay sa tatlong bata sa gate ng isang public school.

Nagpanggap din umano siyang may diperensya sa pag-iisip, puno rin siya ng pasa sa katawan dahil sinasaktan umano niya ang kanyang sarili. Gayunman, mariin niyang iginiit na wala siyang ginagawang kasalanan.


Pero ayon sa Women and Children's Protection Desk ng Mandaluyong Police, hindi baliw ang suspek at hindi rin nakumbinsi ang piskalya sa kanyang pagpapanggap na baliw kaya kinasuhan siya ng attempted kidnapping at child abuse.

Naniniwala ang pulisya na miyembro ng sindikato ang mga suspek kaya pinayuhan nila ang mga magulang na doblehin ang pagbabantay sa mga anak.
Source: ABS-CBN


Post a Comment

 
Top