0

Umupak kahapon si House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez kay Vice President Leni Robredo bilang buwelta sa pagpuna ng huli sa pambabraso ng liderato ng Kamara sa mga kasamang mambabatas para lamang maipasa ang balik-bitay bill.




Hindi nagustuhan ni Alvarez ang sa tingin niya ay panghihimasok ng bise presidente sa usaping panglehislatura kaya’t hinamon niya ito na bumaba sa puwesto at subukang pumuwesto bilang House Speaker para malaman niya ang bigat ng responsibilidad nito.

Tinitiyak din umano ng kongresista na kung sakaling tanggapin ni Robredo ang puwesto at umaktong lider ng Kamara ay hinding-hindi niya ito pakikialaman bilang respeto.

Loading...
“`Di bumaba siya ng pagka-bise presidente, mag-Speaker siya. ‘Yun ang gawin niyang policy. Wala, ako, hindi ako makikialam sa kanya,” ayon pa kay Alvarez.

Maging si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ay hindi pinaligtas ni Alvarez sa kanyang buwelta matapos na bumira rin ang obispo sa pamumuwersa diumano ng House leadership para lamang ma-railroad ang balik-bitay.


“Pambihira naman, sa lahat nga, eto lang Simbahang Katolika ang masyadong nakikialam sa gobyerno. Ano naman ang kinalaman ng utos ng Diyos na huwag papatay sa ating ano… batas? Pambihira naman, tabingi na ang utak ng Bishop Cruz na ‘yan,” anang Speaker.
Source: Abante


Post a Comment

 
Top