0

"Hindi maaa­ring pigilan ng Senado ang posibleng pag-aresto kay Senador Leila De Lima sakaling may lumabas na warrant of arrest laban sa kanya".

Ito ang inamin ng kaalyado ni De Lima na si Senate President Pro Tempore Franklin Drilon at tinawag niyang “unfortunate” sakaling mangyari ang pag-aresto kay De Lima, pero hindi aniya dapat mangyari sa session hall ang pagbibigay sa kanya ng warrant of arrest.




Ipinaliwanag pa ni Drilon na lampas sa anim na taon ang hatol sa kasong kinakaharap ni De Lima kaya hindi ito sakop ng immunity na ibibigay sa mga miyembro ng Kongreso.

Bagaman at ilang beses ng itinanggi, nahaharap si De Lima sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act na may pinakamabigat na parusang habambuhay na pagkabilanggo.

Loading...
Inihayag naman ni Senator Vicente “Tito” Sotto III, chairman ng Ethics committee na tuloy ang pagresolba nila sa reklamo laban kay De Lima kaugnay naman sa ginawang pagbibigay ng payo nito sa kanyang dating driver na si Ronnie Dayan na huwag dumalo sa pagdinig sa House of Representatives.


Kinumpirma ni Sotto na nagsumite na ng kanyang counter affidavit si De Lima kaugnay sa ginawang pagpapayo kay Dayan na pinagbasehan ng reklamo at tiniyak na mareresolba nila ang isyu bago matapos ang buwan.
Source: Philstar


Post a Comment

 
Top