0

Nanawagan ang mga Liberal Party senators sa Department of Justice (DoJ) na kilalanin ang rule of law at ang otoridad ng Office of the Ombudsman.

Ito ay kasunod ng napipintong pagsampa ng kaso ng DoJ kay Senator Leila de Lima na iniuugnay sa iligal na droga.




Sa inilabas na kalatas nina Senate Pro Tempore Franklin Drilon, Senator Francis Pangilinan at Senator Bam Aquino, na ang pagsampa ng kaso at paglabas ng warrants of arrest na walang ebidensya o witness ay iligal at hindi makatarungan.

Loading...
Pinaalalahanan nila na ang Ombudsman ang may pangunahing karapatan sa pagsampa laban sa mga elected officials.


Magugunitang ibinunyag ni Senator De Lima na may impormasyon siyang nakuha na maglalabas na ng resolution ang DoJ sa limang drug-trafficking laban sa kaniya na nauna na niyang itinanggi.
Source: Bombo Radyo


Post a Comment

 
Top