0

Nasisiguro ni Sen. Leila de Lima na tutulu­yan siya ng kasalukuyang administrasyon na ipakulong dahil ito umano ang katuparan ng kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.




Ginawa ni Sen. De Lima ang reaksiyon kaugnay sa resolusyong inaasahang ipalalabas na ng Department of Justice kaugnay sa mga kasong isinampa laban sa kanya tungkol sa ilegal na droga.

Loading...
“Worst case scenario? Kasi katuparan lang yan ng utos ng Pangulo. Ilang beses na ho iyan sinasabi na he wants me locked up in jail to suffer the fate of the former President, Gloria Macapagal Arroyo. That is his words, not mine,” sabi ni De Lima sa isang panayam.


Nauna ng sinabi ni De Lima na binibilisan talaga ng DOJ ang paglalabas ng resolusyon at ididiretso ang pagsasampa ng kaso sa isang regular ng korte at hindi sa Office of the Ombudsman.


“I’m not sure if it’s today, but as I told your last week, dati pa naman sinabi yan sa iyo yung advanced info from DOJ na talagang binibilisan nila ang paglabas ng resolution. At ang masama pa rito, ito po ay magiging maling hakbang ay yung ididiretso nila sa regular court ang mga kaso. May ilan-ilan na kaso sa Ombudsman ipapadala, pero meron din daw dadalhin sa regular court. Alam ho nila na hindi yan ang tamang pamamaraan. Pero yan daw ang gagawin,” sabi ni De Lima.
Source: Philstar


Post a Comment

 
Top