0

Sa mga susunod na araw ay inaasahan na ang pagsasampa ng kaso ni Sen. Leila de Lima laban kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Sinabi ni De Lima na inaasikaso na ng kaniyang legal team ang kaso kaugnay ng pakikipagsabwatan ni Aguirre sa high-profile inmates upang ituro siya na tumatanggap ng kita ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.




Tinukoy din ng senadora ang pagbibigay umano ng pabor ni Aguirre sa mga tumestigong preso kung saan nakakagamit sila umano ng gadgets at air conditioners sa loob ng kanilang kulungan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Custodial Center.


"In a few days, in several days. Ginagawa na po yan ng aking legal team. But we're filing also a complaint against Secretary Aguirre, unang-una dahil nga po doon sa pagpilit nila sa witnesses against me," sabi ni De Lima.

Loading...
"So matagal-tagal na ho akong pinoproject ng mga yan, kaya kasama ho yan sa magiging charges ko against Secretary Aguirre na subornation of perjury, tampering of witnesses, that is definitely an illegal act na hindi ho dapat ginagawa ng isang Secretary of Justice," dagdag niya.


Binanatan din ni De Lima ang naging pahayag ni Aguirre tungkol sa mga kriminal.

"Ang Secretary of Justice po ay siyang pinaka-Attorney General, siya yung pinaka-chief legal officer ng executive department. And therefore, he is expected to act and behave judiciously," banggit ni De Lima.

"Hindi po ganyan, biruin mo, yung mga ganoong statements niya, yung mga kriminal daw, yung mga drug addicts daw, mga drug users daw, are not part of humanity. Anong klaseng mentalidad yan? He is unfit to be in his position."
Source: Philstar


Post a Comment

 
Top