0

Patay ang isang 15-anyos na bading matapos itong gilitan sa leeg ng kanyang sariling tiyuhin sa Sitio Tambis, Barangay Inuburan, Lungsod ng Naga sa bayan ng Cebu.

Kinilala ang biktima na si John Mich Sepriano habang ang kanyang tiyuhin ay si Arnel Sabanal, 46-anyos.




Ayon kay SPO1 Gen Cabrera, desk officer ng Naga City Police Station, bago ang pangyayari ay nag-away ang biktima at kanyang pinsan na anak ng suspek.

Loading...
Pagkatapos ng argumento at papauwi na sana si Sepriano ay sinundan ito ng suspek bitbit ang isang itak at tsaka tuluyang ginilitan sa leeg.

Dagdag pa ni SPO1 Cabrera na halos maputol ang leeg ng biktima.


Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad si Sabanal na tiyuhin ng biktima na agad na umalis sa lugar matapos ang krimen.
Source: Bombo Radyo


Post a Comment

 
Top