0

Naging instant referee sina Sen. Manny Pacquiao at iba pang mga senador dahil sa muntikang pagpapang-abot nina Sen. Antonio Trillanes at Sen. Juan Miguel Zubiri.

Ito'y makaraang pagtalunan ng dalawa ang isyu ng posibleng whitewash sa imbestigasyon sa bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI).



Nag-ugat ang bangayan sa pahayag ni Zubiri na dapat ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon ang mag-imbestiga sa umano'y panunuhol ni Jack Lam sa ilang B.I officials, bagay na hindi sinasang-ayunan ni Trillanes.

Nauna na kasing sinabi ng dating sundalo na siya ring pinuno ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Conduct na iimbestigahan ng kanyang komite ang kontrobersiya.

Loading...
Sa gitna ng kanilang pagtatalo ay sinabi ni Trillanes na dapat ay maging handa sa giyera si Zubiri bagay na lalong nagpagalit dito kaya dinuro nito ang kasamahang mambabatas.


Makaraan ang pagtatalo ay nagkamayan din ang mga ito dahil na rin sa pamamagitan ng iba pang senador.
Source: Bomboradyo


Post a Comment

 
Top