0

Idinepensa ngayon ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang isinagawa nilang pag-execute o firing squad sa tatlong mga suspek na may mga kasong pagpatay sa Lanao del Sur.

Ito ay matapos umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang nag-leak na 12 minuto na video kung saan makikita ang pag-firing squad ng MILF fighters sa hindi pinangalanan na kalalakihan.



Sinasabing ang mga ito ay nahaharap sa akusasyong pagpatay sa ilang sibilyan sa probinsya.

Sa isang panayam, inihayag ng isang kumander ng MILF na si Abdullah Macapaar alyas Bravo, dumaan daw sa mataas na proseso ng kanilang Islam elders bago napatawan ng kamatayan ang mga ito.

Loading...
Katuyanan, isinangguni pa raw nila sa mga pamilya nang namatayan kung ito ba ay kanila bang mapapatawad.

Subalit hindi umano sila nagbigay ng anumang kibo kaya tuluyang napatawan ng parusa.


Iginiit ni Kumander Bravo na ang napatay sa firing squad ay nasangkot na rin sa umano'y illegal drug trade sa Lanao provinces.

Ito ang dahilan kaya lalo umanong bumigat ang basehan na sila ay isasailalim sa kaparusahan.
Source: Bomboradyo


Post a Comment

 
Top