0

Isang suspek sa iligal na droga ang nahuli sa Metro Manila. Sinubukan daw nyang ipambayad ang shabu sa binibiling shorts.

Kulang daw ang pera ng 24 anyos na si Brenhart Castillo kaya naisipang tawaran ang bibilhin sanang shorts sa isang tindahan sa Blumentrit sa maynila. Pero kahit anong pilit ni Castillo, di pumayag ang tindero.



Ayon sa tindero, tumawad daw si Castillo sa binibiling shorts ngunit hindi pumayag ang tindero kaya umalis daw si Castillo, maya-maya ay bumalik daw ito at muling pumili ng mga bibilhing damit at sinabi daw na papalitan na lang daw nya yun ng shabu na nagkakahalaga ng P200.

Loading...
Saktong myembro ng Citizen's Crime Watch ng Manila Police District ang tindero kaya agad daw niyang dinampot si Castillo. Narekober kay Castillo ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng limang-libong piso.


Depensa ni Castillo, hindi sa kanya ang mga shabu at sa motor lang daw nakuha yun. Mahaharap sa kasong konektado sa droga ang suspek.
Source: News5


Post a Comment

 
Top