0

"If I have to declare martial law, I will declare it."

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa harapan ng mga negosyante sa ginanap na 49th Annual meeting sa Davao City Chamber of Commerce and Industry Incorporated's installation of trustees and officers sa Marco Polo Hotel.

Sinabi ng Pangulo na kung magkaroon ng labis na problema ang bansa ay kanyang idideklara ang martial law.



Dagdag pa ng Pangulo na walang makapigil sa kanya.

Iginiit din niya na hindi siya mapipigilan kahit makialam pa ang Korte Suprema.

"Kung gusto ko, and if it will deteriorate into something really very virulent, I will declare martial law if I want to. Walang makapigil sa akin," ani Duterte.

Loading...
Hindi naman malinaw kung anong pangayayari ang labis na makaapekto sa sitwasyon ng bansa.

Ngunit kanyang sinabi sa kanyang naunang pahayag ang kanyang mahigpit na kampanya sa iligal na droga at kurapsyon.

Binigyang diin naman ng Pangulo na kung sakali man na mangyari ito ay kanyang titiyakin na ito ay para sa pagpreserba ng ating bansa.


If I have to declare martial law, I will declare it, not because of invasion, insurrection, I will declare martial law to preserve my nation, period," dagdag ng Pangulo.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, maidedeklara lamang ng Pangulo ang batas militar kapag mayroong nangyayaring pananalakay o rebelyon.

Ang pagdedeklara ng martial law ay para sa kaligtasan ng mamamayan.
Source: Bomboradyo


Post a Comment

 
Top