0

Sa kuha ng CCTV sa isang restaurant sa Makati kagabi, makikitang kumakain ang apat na customers sa open area ng biglang may pumaradang motorsiklo sa labas.

Isang lalaking naka-jacket at helmet ang bumaba at akmang papasok sa pintuan, sumunod ang isa pang lalaki, bumunot ng baril at tinutukan ang mga babaeng customer sa kanan at kinuha ang kanilang mga cellphones.



Nang makuha ang mga cellphone at gamit ng customer, lumipat naman ang gunman sa kabilang mesa. Nanutok ng baril ang mga suspek at kinuha ang bag at cellphones ng dalawang customers at iniabot sa kasama.

Ang babeng nasa sulok, sinubukan pang itago ang kanyang gamit pero kinuha pa rin at pinaalis pa ang hikaw sa tenga.

Loading...
Mabilis namang tumakas ang mga suspek. Nagbabala naman si NCRPO Chief Oscar Albayalde sa mga restaurant owners na mag-ingat sa mga ganitong modus na nagpapanggap na customer.


Pinag-aaralan pa ng Makati City PNP ang CCTV footage para makilala ang mga suspek.
Source: ABS-CBN


Post a Comment

 
Top