0

Binigyang-diin ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador  Panelo na bago mang-akusa ay dapat tingnan muna ni Sen. Antonio Trillaves IV ang sarili.

Buwelta ito ni Sec. Panelo matapos ihayag ni Sen. Trillanes  na  hindi lang mamamatay-tao si Pangulong Rodrigo Duterte kundi isa din umano itong corrupt na opisyal.



Sinabi ni Atty. Panelo na sarili mismo ni Trillanes ang  pinatutungkulan nito nang sabihin niyang corrupt ang Pangulong Duterte.

Loading...
Ayon kay Panelo, dapat alam ni Trillianes kung ano ang pinagsasabi nito at ipaliwanag sa publiko ang mga  kaduda-dudang biyahe nito sa China noong panahon ng Aquino administration.


Kaugnay naman sa  sinabi ni Trillanes na mag-reresign bilang senador kung hindi totoo ang mga sinabi nito laban sa  pangulo, sinabi ni Atty. Panelo na dapat magbitiw na agad  ito dahil hindi siya karapat-dapat na maluklok sa puwesto.
Source: Bomboradyo


Post a Comment

 
Top