0

Nang dahil lamang sa larong DOTA o Defense of the Ancients ay pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang bente singko anyos na lalaki ng kanya mismong matalik na kaibigan.



Nangyari ang insidente sa Brgy. Dos, Laoag City, Ilocos Norte matapos umanong magkantiyawan at magkainitan ang biktimang si Ferdinand Madamba Jr. at suspek na si Mark “Puti” Pascual.

Loading...
Bago ang pamamaslang ay naghamunan muna ang dalawa ng suntukan sa labas ng computer shop sa nabanggit na Bgry. Lingid sa kaalaman ng biktima ay may bitbit palang patalim ang suspek na si Pascual.

Nagtamo ng saksak sa leeg at tiyan si Madamba na kanyang ikinamatay.


Naglunsad naman ng manhunt ang mga otoridad para sa ikadarakip ng suspek.

Nabatid na sampung taon nang magkaibigan ang dalawa.
Source: Radyo Inquirer

Post a Comment

 
Top