0

Brutal na kamatayan ang sinapit ng 2nd year Tourism student na babae matapos itong halayin ay tsinap-chop pa ng umano’y durugistang estudyante saka ikinahon at inabandona sa liblib na bahagi sa bayan ng Tanza, Cavite noong Biyernes.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mitzi Joy Ba­lunsay ng Cavite State University Main Campus at nakatira sa Barangay De Ocampo sa Trece Martirez City, Cavite.



Samantala, naaresto naman ang suspek na si Alvin Delos Angeles, sinasabing   estudyante rin sa nasabing unibersidad, teamleader ng Alliance in Motion Global International at pansamantalang naninirahan sa boarding house sa bayan ng Indang.

Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, huling namataang buhay ang biktima na nagpa-enroll sa nasabing unibersidad kung saan ito pumila para magbayad ng tuition fee.

Loading...
Gayunman, hindi na na­kauwi ang biktima kaya nagpatulong ang mga magulang sa mga kamag-anak para hanapin ang dalaga.

Natagpuan naman ang biktima na sinasabing tsi­nap-chop ng suspek saka ikinahon at inabandona sa gilid ng highway sa nasabing bayan.


Nakilala naman ang biktima sa nunal at dalang bag ng biktima na naisama sa kahon.

Pinaniniwalaang nahikayat ng suspek ang biktima na sumama sa tinutuluyang boarding house saka isinagawa ang karumal-dumal na krimen.
Source: Philstar


Post a Comment

 
Top