0

Sumuko kay PNP Chief P/Director General Ro-nald ‘‘Bato’’ dela Rosa ang pinaghihinalaang drug queen na supplier umano ng droga ni Kerwin Espino­sa, ang sinasabing number 1 drug lord ng Eastern Vi­sayas.

Sinabi ni dela Rosa na ang suspek na si Lovely Adam Impal ay sumuko sa Camp Crame nitong Lunes ng umaga bago ang flag raising ceremony



“If you can recall merong nabanggit si Kerwin na ka-level lang n’ya na drug lord or drug queen, na ang pangalan ay si Lovely Adam Impal, nag-surrender siya sa akin,” pahayag ni dela Rosa.

Ayon kay dela Rosa, nagdesisyong sumurender si Impal matapos lumutang ang pangalan nito sa nari-nig nitong mga balita sa national television dahilan sa natakot ito na marami ang magka-interes at hantingin siya.

Loading...
“Kusa siyang nag-surrender, yun nga lang I’m not satisfy dun sa mga statement niya kaya ipinasa ko sa AIDG (Anti-Illegal Drugs Group),” ani dela Rosa para maisailalim ito sa masusing imbestigasyon.


Sinabi ni dela Rosa na si Impal ay ineskortan ng  hepe ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Police patungong Camp Crame.
Source: Philstar



Loading...

Post a Comment

 
Top