0

Pumanaw na sa pagamutan si Russian Ambassador to Turkey Andrey Karlov matapos na ito ay barilin ng isang off-duty police.

Inilabas na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek na si Mevlut Mert Atlintas isang off-duty police officer na ipinanganak sa Aydin province sa Turkey.



Hinala ng mga otoridad na ang pagiging instrumento ng Russia para tulungan si Syrian President Bashr al-Assad para mabawi ang eastern sector ng Aleppo ng mga rebelde.

Loading...
Magugunitang habang nagsasalita sa isang exhibit si Karlov ay bigla na lamang itong binaril ng suspek at nagsisigaw na "Alluahu akbar" o God is great.

Sinabi pa ng suspek, "do not forget Aleppo! Do not forget Syria!".


Naganap ang insidente ilang araw bago magsagawa ng pulong ang mga matataas na opisyal ng Turkey, Iran at Russia sa Moscow para pag-usapan ang kaganapan sa Aleppo.

Hindi rin inilabas ng mga otoridad kung napatay o nahuli lang ang suspek.
Source: Bomboradyo


Post a Comment

 
Top