0

Kinasuhan na ng murder ang pulis na nakuhanan sa isang video na binaril ang isang lalaki sa harap ng bangko sa San Pedro City, Laguna noong nakaraang linggo.

Ayon kay Supt. Harold Depositar, hepe ng pulisya ng San Pedro City, nakita sa imbestigasyon na hindi kinailangan ni Police Officer 3 Reynaldo Dizon ng “excessive and unnecessary force” nang barilin at patayin niya si Sharief Amatonding na nag-amok sa bangko noong Biyernes.



Ipinahayag ni Depositar na hindi napigilan ng mga gwardya ng bangko si Amatonding nang kunin nito ang kanilang mga armas.

Loading...
Nagkataon namang napadaan ang grupo ni Dizon sa lugar nang papunta sa isang operasyon kasama ang ilang pulis mula sa Biñan, Laguna.


Ini-upload sa Facebook ang video na nakuhanang binaril ni Dizon si Amatonding na kaagad na namatay makaraan ang pamamaril.
Source: Radyo Inquirer

Post a Comment

 
Top