0

Pinatitibay umano ng mga bagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ito raw ang mastermind sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.



Sinabi ni Sen. Antonio Trillanes, patunay daw dito ang sinabi ng Pangulo na hindi niya hahayaang makulong ang mga nakapatay kay Espinosa, kahit idineklara na ng National Bureau of Investigation (NBI) na rubout ang operasyon ng CIDG-8.

Loading...
Maliban dito, pinuna rin ni Trillanes ang pagpadrino ng chief executive para kay CIDG 8 head Supt. Marvin Marcos para ito ay maibalik sa puwesto kahit iniuugnay sa isyu ng iligal na droga.


Para naman kay Sen. Leila de Lima, isang impeachable offense ang ginagawa ng Pangulo sa isyung ito.

Gayunman, minaliit ng kaalyado ni Duterte na si Sen. Alan Peter Cayetano ang banta ng mga kritiko ng administrasyon.
Source: Bomboradyo



Loading...

Post a Comment

 
Top