0

Mariing tinututulan ng Simbahang Katoliko ang plano ng Department of Health (DOH) na magpamigay ng condoms sa mga kabataan sa iba't ibang paaralan sa bansa kaugnay ng kanilang kampanya laban sa HIV/AIDS.



Ayon sa Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA) na si Father Jerome Secillano, mas makabubuti kung gagamit na lamang ang pamahalaan ng 'cultural at values-based approach' sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman ng mga ito tungkol sa HIV/AIDS prevention.

Loading...
Dagdag nito, ang pamimigay ng condom ay hindi lamang maituturing na panghihikayat sa kabataan na magkaroon ng sexual activity kundi pag-aaksaya rin ng pondo ng pamahalaan na nagmumula sa salapi ng mga mamamayan.


Mababatid na una nang pinabulaanan ng DOH na ang pagbibigay ng condoms ay hindi upang hikayatin ang mga kabataan sa early sex kundi upang ihanda at protektahan lamang ang mga mula sa mas malaking problema tulad ng HIV/AIDS.
Source: Brigada



Loading...

Post a Comment

 
Top