0

“Magbigti na lang kayo”.

Ito ang naging payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga drug addict na wala nang pag-asang magbagong buhay.

Sa pre-departure speech ng pangulo sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 bago tumulak sa Cambodia, sinabi nito na bibigyan niya ng lubid ang mga drug addict.



Sa ngayon ayon sa pangulo, nagbigay na siya ng isang P1 Billion sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ipangbili ng tranquilizers at iba pang uri ng gamot na kakailanganin ng mga drug addict na sumasailalim sa home medication.

Loading...
Galing aniya ang pondo sa P5 Billion na donasyon ni Pagcor Chairperson Andrea Domingo sa Office of the President.


Inatasan rin ng pangulo ang mga social workers na tumulong sa pagsasa-ayos ng kinabukasan ng mga nalulong sa iligal na droga sa bansa.
Source: Radyo Inquirer


Post a Comment

 
Top