0

Naisampa na ang kasong panggagahasa laban sa isang Filmer Alvarez, 29, walang trabaho, residente ng Sampao, Kapalong, Davao del Norte na gumahasa sa 71-anyos na lola.

Wala raw patawad na maibibigay ang biktima na si Nanay Rosing, at mas gusto pa niyang mapatawan ng kamatayan ang suspek na may ginahasa na rin noon sa kanilang lugar.

Isinalaysay ni Nanay Rosing na nakaranas siya ng panununtok, sampal, tadyak at bantang pananaksak ang natanggap niyang pagbabanta mula sa suspek bago at pagkatapos siyang gahasain ng suspek.

Napansin umanong pinaghandaan ni Alvarez ang paggahasa sa kanya na naganap dakong ala-1:00 ng madaling araw nitong nakalipas na Linggo.



May baon umanong nagkakahalaga ng P5.00 na mantika na nakalagay sa cellophane ang suspek at saka ibinuhos sa kanyang ari.

Napag-alaman na 39-anyos  na taon nang walang mister si Nanay Rosing.

Matapos makaraos ang suspek, nakiusap ang biktima na bumaba na ang suspek ngunit sa halip na maawa at makinig, muling nagbanta at ipinagpatuloy umano nito ang paggahasa sa biktima, hanggang sa maka-second round.

Loading...
Nagpahayag pa raw ang suspek na uso na sa ngayon ang paggahasa sa mga matanda.

Nang sumigaw na si Nanay Rosing doon na nagising ang isa sa mga anak ng matanda na kapitbahay lamang nito.

Dala ang flashlight ay tinungo nito ang kubo ng ina at nakita pang nakapatong ang suspek sa katawan ng ina.


Kaagad namang tumakbo ang suspek na walang sout na damit at pang-ibaba.

Una nang napag-alaman na naiwan sa kubo ng biktima ang kutsilyo, brief, at tsinelas ng suspek.

“39 na taon na akong walang mister…puti na ang buhok ko, ako pa ang kanyang pinagtripan…nagbaon siya ng bale P5.00 na mantika na nakalagay sa cellophane, binuhos niya sa aking ari,” kuwento pa ni  Nanay Rosing sa panayam ng Bombo Radyo Davao.
Source: Bomboradyo


Post a Comment

 
Top