0

Nagbigay na ng Go Signal si Pangulong Rodrigo Duterte para ilarga ang  pamimigay ng libreng  gamot  sa mga mahihirap na Pilipino.

Ito’y makaraang kumpirmahin ng Pangulong Duterte na naibigay na niya sa DSWD ang  1 Bilyong  Pisong  pondo na  bahagi ng  5  Bilyong  Pisong ibinigay ng PAGCOR para magamit na pambili ng  gamot.



Matatandaang  kasama ang libreng  gamot sa  mga  ipinangako ng Presidente noong panahon ng  kampanya dahil nakita  nito ang  kalagayan ng  mga maysakit na mahihirap na Pilipinong hindi makabili ng  gamot at ang  iba ay namamatay na  lang  nang hindi nalunasan dahil sa kawalan ng pera.

Loading...
Tiwala rin ang Pangulong Duterte na maayos na mapangangasiwaan ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo ang 1 Bilyong Pisong pondo para sa libreng gamot ng mga mahihirap.


Kasabay nito, inihayag ng Pangulo na handa siyang magdagdag ng 1 Bilyong Piso para ipambili ng  tranquilizers ng mga lulong sa droga.
Source: DWIZ

Loading...

Post a Comment

 
Top