0

Magiging libre na umano sa susunod na taon ang mga bayarin sa ospital ng mga mahihirap na Pilipino.

Pahayag ito ni Health secretary Paulyn Jean Rossel-Ubial sa kanyang pagbisita sa Integrated Provincial Hospital Office (IPHO) in Maguindanao kahapon.



Aniya, hindi na raw kailangan na magkaroon pa ng PhilHealth card para matamasa ang benepisyo na ipinagkakaloob ng ahensya.

Ang kailangan lamang daw ay mapatuyan na Pilipino ang pasyente para mabigyan ng health benefits na ibinibigay ng PhilHealth.

Loading...
Ito aniya ay matapos na taasan ang pondo na ibinigay ng Budget department para i-cover ang mga hospital needs ng mga mahihirap na Pilipino.

Sinabi rin ni Ubial na maganda ang financial standing ng Health Department ngayon matapos na bayaran ng Budget Department noong Nobyembre ang mga bayarin nito na nagkakahalaga ng P32 billion mula sa P42 billion deficits ng PhilHealth.


Bukod dito, magkakaroon din aniya ng mga karagdagang subsidiya para sa mga libreng gamot mula sa mga government agiencies, kabilang na ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR),

Hindi na rin aniya kailangan pang bumili ng mga gamot sa mga government pharmacies sa susunod na taon sapagkat makukuha na raw ito ng mga mahihirap na pamilya ng libre mula sa programang pangkalusugan ng pamahalaan.
Source: Bomboradyo

Post a Comment

 
Top