0

Handa umanong doblehin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinangakong P50 million na tulong para sa mga magsasakang apektado ng pananalasa ng bagyong Nina sa Bicol.

Sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Camarines Sur, una na nitong ipinangako ang P50 million mula sa Department of Agriculture (DA) bilang tulong sa muling pagbangon ng mga magsasaka na nasalanta ng bagyo.



Subalit ayon sa pangulo, puwedeng dagdagan niya pa ito para maging P100 million.

Maliban sa naturang halaga, may mga binhi rin umano si DA Secretary Manny Piñol na ipamimigay sa mga magsasaka para makapagtanim agad ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Loading...
Sa kabilang dako, binigyan-diin ni pangulong Rodrigo Duterte na walang ibang dahilan ang pagbisita niya sa naturang lalawigan kundi trabaho lamang.


Tiniyak din nito na walang halong korupsyon ang tulong na iniabot nito sa mga biktima ng kalamidad.
Source: Bomboradyo


Post a Comment

 
Top