0

Palaisipan sa Malacañang kung saan napulot ni Senador  Antonio Trillanes ang pahayag na may bagong  Bise Presidente ang bansa sa susunod na taon.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na hindi nila alam kung saan nakuha ni Trillanes ang kanyang pahayag o nanghuhula lang ba ito.



Iginiit ni Andanar na sa  pagkakakilala nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ay tagapagsulong ito ng  rule of law at naniniwala sa pagiging  independent  ng  hudikatura bilang isa sa haligi ng demokrasya.

Loading...
Ipinaalala pa nito na mismong ang Pangulo ang nagbigay ng katiyakan sa mga Bikolano na hindi magagalaw sa pwesto ang  kanilang kababayan  na  si Vice President Leni Robredo.


Kasabay nito, sinabi ni Andanar na irerespeto  ng Pangulo anuman ang  magiging  desisyon ng Presidential Electoral Tribunal o PET  kaugnay sa election protest na inihain ni dating Senador Bongbong Marcos.
Source: DWIZ

Loading...

Post a Comment

 
Top