0

Gagamitin na namang pagkakataon ni De Lima ang pagdalo nito sa isang international conference sa Berlin, Germany para magkalat ng kasinungalingan at paninira tungkol sa nangyayaring human rights violations sa Pilipinas.



Sa pagsasalita ni De Lima sa Annual Conference of Cultural Diplomacy, tatalakayin nito ang mga sinasabing extra judicial killings sa bansa kasabay ng pinaigting na war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Loading...
Sinabi ni De Lima na hihingi din daw siya ng suporta sa international community para matigil na ang pag iral ng sinasabing culture of impunity sa bansa ngayon.


Ayon pa sa Senadora, layon ng anim na araw na pulong na makarating daw sa kamalayan sa buong mundo ang ukol sa pagrespeto daw sa mga karapatang pantao.
Source: Radyo Inquirer

Post a Comment

 
Top