0

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga militar na pagbuksan sa kanilang mga kampo ang mga NPA para makikain ngayong Kapaskuhan.

Sinabi ni Pangulong Duterte, maghanda lamang ng udong o bihong may sahog na sardinas, ikakatuwa na umano ng mga rebelde.



Ayon kay Pangulong Duterte, walang dapat ikabahala ang mga NPA dahil nagdeklara na siya ng unilateral ceasefire kaya malaya silang makauwi at maging makisalo ng pagkain o noche buena ngayong Pasko sa mga sundalo.

Loading...
Kasabay nito, nilinaw ni Pangulong Duterte na wala siyang isinuko sa panig ng gobyerno kay CPP-NPA-NDF founding chairman Jose Maria Sison nang magkausap sila noong isang gabi.


Baka daw kasi magkaroon na naman ng intriga at umaasa siyang nakinig ng mabuti ang intelligence sa kanilang telephone conversation ni Joma Sison para matiyak na hindi siya nag-concede ng anumang kapanyarihan o prerogative ng gobyerno.
Source: Bomboradyo

Post a Comment

 
Top