0

Haharangin umano ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang plano ni Sen. Leila de Lima na makalabas ng bansa sa mga susunod na araw.

Ayon kay VACC founding chairman Dante Jimenez, hindi makatwirang makaalis si De Lima dahil sa bigat ng mga kasong kinakaharap nito.



Una rito, pinayagan ng Department of Justice (DoJ) ang senadora para sa official travel nito sa Estados Unidos at Germany.

Loading...
Katwiran ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre, wala pang nakahaing kaso laban sa mambabatas kaya maaari pa itong makaalis.


Para naman sa panig ni De Lima, babalik siya para sa mga kinakaharap na kaso at wala siyang planong takasan ang mga ito.
Source: Bomboradyo

Loading...

Post a Comment

 
Top