0

Tinawanan lang ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang pahayag ni Sen. Leila de Lima na maaring maging impeachable offense ang pagdipensa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na nakapatay kay Albuerra Mayor Rolando Espinosa sa loob ng Baybay City Provincial Jail.



Una rito, sinabi ni De Lima na maaring ituring na betrayal of public trust ang pahayag ng Pangulo kaugnay sa kaso ng pagkamatay ni Espinosa.

Loading...
Pero ang tanong naman ni Aguirre sa Senadora, ano ang partikular na tiwala ang pinagtaksilan ng Pangulo Duterte.

Opinyon lamang umano ng Pangulo ang kanyang sinabi at ang isyung ito ay hindi na dapat palakihin pa.


Sinabi na rin umano ni Duterte na kapag nahanapan ng ebidensiya ang mga pulis ay sampahan sa korte ang mga sangkot na pulis.
Source: Bomboradyo

Loading...

Post a Comment

 
Top