0

Patay ang isang ama ng tahanan matapos itong mapagkamalan umanong tulak ng ipinagbabawal na gamot sa GSIS Compound, Barangay Rosario sa Pasig City.

Ang biktimang si Enrico Ranjo, 40-anyos ay pinagbabaril ng tatlong lalaking naka-maskara sa loob ng kanilang bahay bago mag-hatinggabi.



Nasaksihan pa ng live-in partner ni Enrico at tatlo nilang anak ang pagpatay sa kaniya ng mga suspek na pumasok mismo sa tinitirahan nilang barung-barong.

Loading...
Isang “Fernando” umano ang hinahanap ng mga suspek, pero nang sinabi nilang walang “Fernando” sa lugar, ay binaril at pinatay pa rin ng mga ito si Enrico.


Ayon kay Ginang Enrica Ranjo, ina ng biktima, walang ibang bisyo ang kaniyang anak maliban sa pag-inom at pamilya at ang trabaho lamang nito ang kaniyang pinagkaka-abalahan.
Source: Radyo Inquirer

Post a Comment

 
Top