0

Isang Grade III pupil ang hinalay umano sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.

Sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo sa lola ng 9-anyos na biktima, nangangaroling umano ang biktima kasama ang iba pang bata sa Brgy. Magapit nang isinakay ito ng nakamotorsiklo na suspek kasama ang isa pang bata.



Nagtiwala umano ang dalawa na ibababa sila sa kanilang bahay sa nasabi ring barangay kung kayat pumayag umano silang sumakay nang yayain sila ng suspek.

Subalit, ibinaba umano ng suspek ang kasama ng biktima sa sementeryo ng Brgy. Tucalanna habang idineretso naman sa Brgy. Jurisdiction, Lal-lo ang biktima kung saan naganap umano ang panggagahasa.

Loading...
Kuwento ng lola ng biktima na umaga ng December 19 natagpuan ang biktima sa isang palayan sa Brgy. Jurisdiction matapos umano siyang halayin doon nitong December 18.

Dalawang matandang nangangahoy ang nakakita sa nakahandusay na biktima kung kayat agad nila itong itinawag sa rescue team ng bayan ng Lal-lo na siyang nagdala sa pagamutan.


Hinihinalang tinangkang patayin ng suspek ang biktima dahil puno umano ito ng pasa sa katawan kung saan nanghihina umano ito ng makitang hubot-hubad sa palayan.

Hinihinalang iniwan ng suspek ang biktima sa crime scene nang mawalan ito ng malay.

Sa ngayon ay nilalapatan ng lunas sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang biktima.
Source: Bomboradyo

Post a Comment

 
Top