0

Nahuli na ng pinagsanib na pwersa ng PNP La Union at Pangasinan ang dating driver-bodyguard at umano'y lover ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan sa La Union.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) La Union, Police Provincial Office (PPO) La Union, Pangasinan (PPO) at Bacnotan Police Station, nahuli si Dayan dakong alas-11:30 ng kaninang umaga.

Nakorner daw ang suspek sa Sitio Turod , Brgy. San Felipe, San Juan, La Union.



Agad namang dinala si Dayan sa La Union PPO para sa disposisyon.

Napag-alaman ng Bombo Radyo mula sa ilang residente ng Barangay Lacong na tatlong buwan na umanong nagtatago si Dayan sa kanilang lugar kasama ang kanyang pamangkin na si Jomar.

Nagpatayo pa raw ang mga ito ng isang kubo sa bundok na nagsisilbi nilang tirahan.

Loading...
Inaasahang dakong alas-4:00 ng hapon ay ihaharap ng PNP sa mga mamamahayag sa Camp Crame si Dayan.

Una rito, nangalap si Atty. Ferdinand Topacio at umano'y ilang mga business partners ng P1 milyon para sa pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ni Dayan.

Naniniwala daw kasi ito na magiging susi si Dayan upang maresolba ang kontrobersiya na nag-uugnay umano kay  De Lima sa illegal drug trade sa loob ng Bilibid at ang pagiging bagman ng drug money mula sa mga drug lords na inmates.


Sinasabing ang pondo rin daw mula sa drug money ay ginamit din umano sa kampanya ni De Lima noong halalan.

Ang nasabing mga alegasyon ay patuloy namang itinatanggi ni De Lima.
Source: Bomboradyo


Loading...

Post a Comment

 
Top