0

Hindi napigilan ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na maluha sa pagdinig ng senado kanina kaugnay sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Tiniyak naman ni Dela  Rosa na kanilang kakayanin ang giyera laban sa iligal na droga at hindi nila ito uurungan.

Kaniya ding lilinisin ang PNP hanggat kaniyang makakaya ng mga police scalawags.



Nangako din si Dela Rosa kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya ito iiwan sa ere at gagawin nito ang lahat para matuldukan na ang problema sa iligal na droga.

Aminado si Dela Rosa na medyo nahihirapan na rin ang PNP sa mga pangyayari kaya humingi ito ng paumanhin.

Giit din ni PNP chief na hindi siya Superman at siya ay isang ordinaryong pulis lang pero since inilagay siya bilang Chief PNP ni Presidente ay gagawin niya lahat at lilinisin ang kanilang hanay laban sa mga police scalawags.

Loading...
Inihayag ni Dela Rosa na hindi niya ma-blame ang publiko kung nawawalan na sila ng trust and confidence sa mga pulis.

"I, myself, sinasabi ko nga minsan hindi ko na alam kung sino ang pagkatiwalaan.... Like itong si Chief Inspector Espenido, nilagay ko siya doon as chief of police ng Albuera because buo ang paniniwala ko kahit hindi siya personally kilala," ani ni Dela Rosa. 

Giit ni Dela Rosa na maging siya ay hindi alam kung sino ang pagkatiwalaan.


"Your honor, pinapasa-Diyos ko na lang yung sitwasyon namin sa PNP. Gustong gusto ko nang ma-reform yung PNP because mahal na mahal ko yung organization namin pero ako ay hirap na hirap na," wika ni Dela Rosa.

Dagdag pa ni Dela Rosa, "I will never surrender...Kaya ko ito; hindi ko ito uurungan. Lilinisin ko ang PNP hanggang sa makakaya ko.".
Source: Bomboradyo



Loading...

Post a Comment

 
Top