0

Idinetalye ni C/Insp. Jovie Espenido, pinuno ng Albuera, Leyte Police Station na mayroon ring hiwalay na affidavit ang isa sa mga anak ng napaslang na si Mayor Rolando Espinosa Sr. na si Kerwin.

Sa nasabing affidavit ay nakadetalye ang sinasabing pagbibigay nila ng P8 Million kay dating Justice Secretary at ngayo’y Sen. Leila de Lima.



Naganap umano ang pagbibigay ng pera sa loob ng Dampa Restaurant sa Pasay City.

Sinabi ni Espenido na bukod pa ito sa naging affidavit ng napaslang na si Mayor Espinosa na nagsabing sabit sa kanilang illegal drug trade si de Lima.

Loading...
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs, sinabi ni Espenido na nakadetalye rin sa affidavit ng namatay na alkalde na binigyan ni Kerwin Espinosa ng pera si de Lima nang sila’y magkita sa Burnham Park sa Baguio City.

Si Kerwin ay kasalukuyang sumasailalim sa extradition process makaraang mahuli sa Abu Dhabi kamakailan.


Ang nasabing pahayag ni Espenido ay kanyang ginawa habang umiiling at nakikinig si de Lima.

Kaninang umaga ay pormal na ring sinampahan ng kaso ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice si de Lima dahil sa kanyang pagkakasangkot sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons.
SourceDWIZ



Loading...

Post a Comment

 
Top