0

Limang magkakapatid na menor de edad kabilang ang isang taong gulang na bata ang ginahasa umano ng kalive-in ng kanilang ina sa Brgy. Bogo sa Pagadian City. 

Nabisto ang pangagagahasa ng 50 taong gulang na suspek ng magsumbong sa kanyang guro ang isa sa mga biktima.



Kwento ng 12 taong gulang na biktima, paulit ulit syang ginahasa ng amain sa loob ng apat na buwan, sa huling insidente raw nangyari noong nakaraang linggo lamang.

Agad ipinarating ng guro ang sumbong sa mga otoridad at doon na napag-alamang maging ang tatlong ate ng nagsumbong na biktima at ang isang taong gulang nilang bunso ay pinagsamantalahan din daw ng suspek.

Loading...
Kwento ng mga biktima, matagal ng alam ng kanilang ina ang ginagawa sa kanila ng amain pero nagbubulag-bulagan daw ito.


Naaresto na ang suspek na umaming ginahasa nya ang nagsumbong na menor de edad. Nagawa nya lang daw ito sa tindi ng galit sa magkakapatid. Itinanggi naman nyang pinagsamantalahan din nya ang apat pa nitong kapatid.


Loading...

Post a Comment

 
Top