0

Binigyang parangal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 8 sugatang sundalo na naka-engkuwentro ng bandidong Abu Sayyaf sa Sulu.



Kasabay ito ng pagbisita ng Pangulo sa ospital ng camp Teodulfo Bautista sa nasabing lalawigan kung saan ginagamot ang mga sugatang sundalo.

Loading...
Kinumusta ng Pangulo ang sitwasyon ng mga nasabing sundalo at binigyan ang mga ito ng tig-100,000 Piso at glock pistol.



Ginawaran din ng Pangulo ang mga sugatang sundalo ng wounded personnel medal bilang pagkilala sa kabayanihang ginawa ng mga magigiting na kawal ng bayan.
Source: DWIZ

Loading...

Post a Comment

 
Top