0

Mga guwardya, pinaluhod, dinisarmahan at piniringan umano nang pasukin ng mga operatiba ng CIDG ang kulungan ni Albuera Mayor Rolando Espinosa ayon sa isang guwardya na humiling na itago ang kanyang pagkakakilanlan.



Mayor Espinosa Posibleng Sadyang Pinatay Ayon Kay Cong. Acop

Para kay House Committee on Peace and Order Chairman Romeo Acop, maituturing na summary killing ang nangyari kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Matatandaang napaslang si Espinosa noong Sabado makaraan umanong manlaban sa mga pulis.

Sa isang press conference, sinabi ni Acop na isang dating PNP official, maraming indikasyon na nagtuturo na summary execution ang kinahinatnan ni Espinosa.

Loading...
Unang-una, bakit aniya kailangan na magkaroon pa ng search warrant para kay Espinosa gayung nasa kulungan na siya.

Pangalawa, kwestiyonable kung bakit isinilbi ang search warrant sa madaling araw gayung pwede naman itong gawin ito sa araw.

At ikatlo, wala raw ang record ng cross examination ng hukom sa isang deponent na dapat ay batayan ng pag-iisyu ng search warrant.


Tiniyak naman ni Acop na handang imbestigahan ng kanyang komite ang insidente kung may maghahain resolusyon ukol dito o kung gugustuhin ito ng nakararaming miyembro ng lupon.

Marami aniya siyang gustong mabigyang-linaw, dahil hanggang ngayon ay marami pa ring naglalaro sa kanyang isipan hinggil sa Espinosa murder case.
Source: Radyo Inquirer

Loading...

Post a Comment

 
Top