0

Kinumpirma ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na lumipat na sa kidnapping ang ilang dating sangkot sa illegal drugs trade sa bansa.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa regional convention ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Manila.

Sinabi ni Pangulong Duterte, bagama't bumaba na ang illega-drugs supply sa bansa, tumaas naman ang kidnapping cases sa bansa kung saan anim na kaso ang naitala sa loob lamang ng tatlong linggo sa Binondo.



Ayon kay Pangulong Duterte, kaya ito ang isusunod niyang pagtuunan ng pansin kasabay ng paalalang pag-iingat laman sa mga sindikato.

"There's a very low supply of drugs now but nagshift na naman sa kidnapping ang mga gago. So bagong laro na naman ito. For the three weeks, about six kidnappings sa Binondo," ani Pangulong Duterte.

Una rito, muling naglitanya si Pangulong Duterte kaugnay sa kanyang kampanya laban sa iligal na droga at galit sa Estados Unidos, gayundin sa mga human rights groups na bumabatikos sa umano'y extra-judicial killings sa bansa.

Loading...
Iginiit ni Pangulong Duterte na seryoso ang problema ng bansa iligal na droga kung saan napasok na ng narco-politics dahil sa pagkakasangkot ng mga pulis at mga opisyal sa gobyerno.

Inulit din ng Pangulong Duterte ang kanyang pagtangging gawain ng mga pulis ang pagpatay sa mga drug personalities at saka binabalot na para daw 'mummy.'

Gawain daw ito ng mga sangkot din sa iligal na droga na nagpapatupad na ng 'cleansing' o paglilinis bago sila ikanta o idiin ng mga kasamahang pusher.


Maliban sa local issues, ipinaliwanag din ni Pangulong Duterte ang kanyang independent foreign policy at nilinaw na walang binubuong bagong alyansa sa China.

Matapos ang ilang araw na pag-iwas, nakailang mura na naman ang Pangulong Duterte partikular laban sa Estados Unidos na umano'y nang-iinsulto sa Pilipinas at ginagawang parang aso ang mga Pilipino dahil sa pagbabantang itigil ang ibinibigay na assistance sa bansa.
Source: Bomboradyo



Loading...

Post a Comment

 
Top