0

3 Koreano at 3 Pinoy ang nakalaboso makaraan ang ginawang anti-drug operations ng mga awtoridad sa Makati City.



Pinangunahan ng Quezon City Police District o QCPD ang operasyon sa isang unit ng Rockwell East tower sa nasabing lungsod.

Kinilala ang mga naaresto na sina Bang-kho-Laem alyas Mister Kuo, Isaac Kho alyas Kiderick Kim at isang Jintaek Lee na pawang Korean nationals gayundin  ang mga Pinoy na sina Jaypee Soriano, Arbeen Diaz at Kathleen Nonato.

Nakumpiska sa mga suspek ang 250 gramo ng shabu, mga armas at 4 na katana na nakahiwa pa ng isang pulis.

Loading...
Modus ng grupo, nagpapadala ng shabu sa South Korea gamit ang isang private courier kung saan naka-ipit sa sobre ang mga iligal na droga.



Hinala ng mga awtoridad, isang negosyanteng Tsino ang nasa likod ng operasyon na siyang nagsusuplay ng shabu sa mga arestadong Koreano.
Source: DWIZ

Loading...

Post a Comment

 
Top